Text Box: Mayo-Oktubre, 2005                                    ANG  PAROLA                                                     Isports  11                                        
Text Box: Pangyunit na Palaro
Labinlimang mag-aaral ang napiling lumaban sa Pangyunit na Palaro na ginanap sa San Luis Sports Complex, Santa Cruz, Laguna, Okt. 22-23.
Text Box: Labing-isang mag-aaral sa takbuhan na  pinangungunahan nina Sandy Pacurib,  Andrea Calma, Karen Ortega,  Jeffrey Pagalanan, Christian Calisura at Joseph Oraa  ang napiling lumaban sa paligsahan. Sa Text Box: chess ay si Dan Marcial Osorio, at sa badminton si Adrian Maverick A. Navarro. 
Naging opisyal ng palaro sina Bb. Erly Evangelista at Gng. Maila I. Liwanag.   
          (Richmark Estores)
Text Box: 	Nanguna sa larong Sepak Takraw ang koponan A laban sa koponan B sa Palarong Pampaaralan, Sept. 27.
	Ang koponan A ay binubuo nina John Vincent Aguinaldo, Jhun Angelo Montesoro at John Brix Cachola.Ang pinataob ay koponan, ay sina Jeffrey Manuel, Angelo Nito at Jeffrey Pagalanan, sa unang laban sa iskor na 15-9.
	Sa pangalawa at Text Box: pangatlong paghaharap, ang malakas na koponan A ay namayani at nakuha ang puntos 15-9 at 15-4.
	Panglimang taon nang nilalaro ang Sepak Takraw ng mga mag-aaral sa IES.
	Ang mga taga– pagsanay ng laro ay sina Bb. Erly A. Evangelista, PESS ng paaralan at kuya Vigie, tagapa-ngalaga ng paaralan.
    (Richmark Estores)
	(Richmark

HEP! HEP! HURRAY! Ang mga manlalaro sa volleyball, Baitang VI at si Dan Marcial Osorio at Ma. Elena Edlagan sa larong sa chess.

 Naganap   ang kauna- unahang pang olimpiko sa paanan ng bundok ng Kronos sa dakong timog ng Greece. At ito’y ginaganap tuwing ika-apat ng taon. Sinasabing ang larong ito ay ba-hagi ng kanilang pananampalataya na sagrado para sa kanilang diyos na si ‘Zeus’.

Tumagal ang larong ito ng halos 1,200 taon mula 776 BC hanggang AD 393, kung saan ang naging emperyo ng Roma na si Theodosuis

Ito ay binuwag ito at sinabing ito ay laro ng mga pagano.

Taong 1896

muling binuhay ang olimpiko, sa pangunguna ni Baron Pierre de Coubertin isang Pranses. At ito’y ginaganap din tuwing ika-apat na taon.

 Naganap ang kauna-unahang modernong olimpiko sa Athens, sa pangunguna ng hari ng Greece na si Haring George I.

Ang limang kategorya ng laro na nilalahukan ng mga manlalaro ay paligsahan sa pagtakbo, paglangoy, eskrima (fencing), panunudla at karera ng kabayo.

Totoo nga ba na ang medalyang pang olimpiko ay tunay na ginto? Hindi, ito ay yari lamang sa pilak at hindi purong ginto.

Source: Internet

 

Laro ng Lahi - Lawin-lawin

      Kaliksihan: Iyan ang pina-uunlad ng larong ito.

       Kahit ilang manlalaro ay pwede sa larong ito.  Kailangan itong laruin sa malawak na espasyo dahil tutugisin at huhulihin ng lawin ang mga inakay ng inahing manok.  Walang kagamitang gagamitin dito.

       Ang pinakamalaking manlalaro ay pipiliing inahing manok at pipili rin rin ng lawin.  Ang ibang manlalaro ay hahanay sa likod ng inahing manok ayon sa kanilang taas at ikakapit ang kanilang mga

kamay sa baywang na nasa kanilang mga unahan.

       Kung handa na ang inahing manok at ang mga inakay, aabisuhan ang lawin.  Magpapaikut-ikot ang lawin hanggang maagaw ang nasa dulong inakay ng inahing manok. Ipagtatanggol ng inahing manok ang mga inakay mula  sa lawin na nakabuka ang mga kamay. Pag nabuwag ang hanay at napawalay ang mga inakay, sila ay tatakbo sa lawin   at pipiliting makabalik sa inahing manok at muling magkakabit-kabit. Ang matutugis na inakay ay mapupunta sa lawin. Ang laro ay magpapatuloy hanggang sa makuha ng lawin ang lahat ng inakay. Pwedeng ulit-ulitin ang laro hangga’t gusto ng manlalaro.  (Halaw: Laro ng Lahi)

Kasaysayan ng Olimpiko

SepakTakraw

Koponan A, umarangkada 

Pacurib, Calma, namayagpag  sa 100m, 200m takbuhan

 

      Sina Sandy Pacurib, Baitang V at Andrea Calma, Baitang VI ay pinarangalan ng gintong medalya matapos pataubin ang kalaban sa Pampaaralang Palaro, Sept. 27.

Sa laban ng kalalakihan, nanguna si Jeffrey Pagalanan, puma-ngalawa si Christian Ca-lisura at pumangatlo si

Joseph Oraa sa naging maigting na  labanan sa takbuhan.

Humataw din sina Karen Ortega at Rose Mary Isla.  

(Richmark Estorez)

Ano ang Judo?

      Ang judo ay nabuo ng mga paring Chinese Buddhist upang idipensa ang sirili na di gasinong masasaktan ang kalaban. Ginagamitan ito ng pagsangga,

 paghawak, pagpapahagis at pagpapabagsak sa kalaban.

     Sa larong ito bawal ang pagbira o pagsipa, ito ay sa pansariling dipensa lamang.