EKSPRESYONG PINOY

Maraming salita o ekspresyon ang mga Filipino na may kaugnayan sa pagkain, Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

·          balimbing, ganyan daw kadalasan mailalarawan ang isang taong paiba- iba ng kinakampihang tao.

·          Balat-sibuyas naman ang tawag sa isang taong sensitibo o madaling magtampo,

·          utak-kalabasa ang tawag sa taong medyo may kahinaan o mapurol ang ulo.

·          Kutis-labanos ang karaniwang tawag sa isang may makinis at maputing balat.           

Text Box:  Ronaldo Zabala Valdellon

Kagawad ng Sangguniang Bayan        
Text Box: ANG DAYAMI SA SABSABAN

Personal. Isinilang noong Set. 16, 1967. Pangalawa sa limang magkakapatid nina Morie Cadang Val-dellon at Belen Lastica Zabala. Nag-tapos sa Paaralang Elementarya ng Ibaba, at sekondarya at kursong  Komersyo sa  Eastern Laguna Colleges.

Pamilya: Kasal kay Myra O. Valdellon, may dalawang anak na sina Rommer at Aira.

Nagawa: Bilang Punong Barangay noong 1997-2002, mahigpit na ipinatupad ang mga ordinansang nauukol sa kalinisan at katahimikan ng barangay sa tulong ng mga kagawad, Barangay Tanod, BHW-BNS at Samahan ng mga Kababaihan at mga NGO’s. Nakapagpatayo ng Bara-ngay Hall. Kasalukuyan ay kagawad ng Sanguniang Bayan.

Katungkulan  sa Sangguniang Bayan: Chair

man, Lupon sa Pananalapi, Badyet, Paglalaan at Kaparaanan; Lupon sa Agrikultura

Iba Pang Katungkulan:

Homeroom PTCA-President Grade V- Molave, Pangulo ng General PTCA,  Ibaba Elementary School at Fede-rated PTCA, Paete District; Auditor-Federated PTCA-Laguna Chapter.

Libangan: Kumanta ng awiting makalangit.

Great Day: Ika 38 kaarawan noong Setyembre 16, 2005. Paggaling ng Ina sa karamdaman.

Heroes: Ang kanyang Ama at Ina,  sapagkat sila ang dahilan ng pagkakaroon niya ng katungkulan sa bayan, hinubog na maglingkod ng tapat, mahusay at may takot sa Diyos.

Learned in life: Puedeng manalo sa anumang labanan basta isangguni ito sa Panginoon.

      Nang bumisita ang mga pastol sa Bethlehem, isa sa mga batang lalaki ay nagdala ng ilang dayami mula sa sabsaban . “Ano ang iyong dala?, tanong ng isa sa kanila.

      “Ilang mga dayami na tinulungan ni Hesus?sagot ng batang pastol.

      “Dayami?”nagtawanan ang lahat. “Basura lang iyan. Itapon mo na.”

      Umiling ang batang pastol at sinabi “Hindi, itatago ko ito! Nagpapaalala ito sa akin ng Sanggol na Banal at ang sinabi ng mga anghel tungkol sa Kanya.”

      Kinabukasan, tinanong siya ng mga kasama ngunit hindi pa rin niya ito itinapon.

      “Walang ng halaga ’yon. Bakit ayaw mong itapon?”

      “Mayroon. Dito natulog ang Sanggol ng  Diyos Ama.”

      “E, Ano ngayon?” Ang mahalaga ay ang sanggol, hindi ang mga dayami.”        

      “Diyan kayo nagkakamali,” paliwanag ng batang pastol. “Kung walang dayami, ano ang hihigaan ng sanggol? Ang mga dayaming ito ay may sinasabi. Sinasabi nitong may gamit at mahalaga ang bawat maliit na bagay na nilikha Niya. Kailangan ng Diyos ang mga maliliit na tao upang tulungan siyang gawin ang mga nararapat.

Source: (Pambata)

Text Box: Kalinisan Jingle

I

Bayan, maglinis na tayong tanan

Basura ay atin nang isimpan

Pangalagaan natin,, itong ating kalikasan

Lalo na ang ating kalusugan…

Ang magkalat ay ating iwasan

H’wag naman sa ilog at  sa ating bambang

Upang sakit ay maiwasan

(Chorus)

Ang mga aso ay ‘wag paalpasan

Upang maiwasan dumi sa lansangan,

Ang bayang malinis  ay may kaunlaran,

Malusog ang mga taong makakalikasan

(Repeat I)

H’wag naman sa ilog at sa ating bambang

Upang sakit ay maiwasan

Text Box: Halamang Gamot

      “Bawal magkasakit ngayon.” Iyan ang mari-rinig natin sa bibig ng ilang tao, dahil sa kamahalan ng mga gamot ngayon.

       Narito ang ilan sa mga halamang gamot na maaari ninyong subukan:

        Sibuyas (Allium Cepa)

       Ang sibuyas ay mayaman sa potassium, silicon, iron, phosphorus at calcium. Ang taglay nitong natural na mga langis ay nagpapaginhawa ng lamad at nagpapalabas ng plema. Sa makatuwid, ito ay mainam sa may tuberculosis, hika bronchitis, ubo, plema, sinusitis, at iba pang impeksyon sa daanang-hangin (respiratory tract).             

         Okra                           (Abelmoschus esculentus)

        Ang halamang okra ay namumunga ng walang tigil

sa buong taon at kilala sa ating bansa hindi lamang bilang pinagkukunan ng pagkain kundi bilang isang gamot. Ang bunga ng okra ay may iron, calcium, taba at tubig.

          Ang tsaa ng murang bunga at ipinaiinom kung may lagnat, ulsersa tiyan, plema, inplamasyon ng lamad (mucous membrane) hirap sa pag-ihi, at di-senterya. Ang hinog na bunga ay niluluto at kinakain para sa tuberculosis ng baga.

       Gamitin ang normal na dosis sa lahat ng tsaang inumin. Uminom ng tatlo hanggang apat na baso ng tsaang impyusyon o dekoksyon araw-araw para sa mabilis na resulta.

         Source: (Ang Malusog na Katawan.) 

Text Box:  Mayo - Oktubre, 2005                            ANG  PAROLA                          Panitikan/Lathalain   9