Text Box: Alam ba ninyo?

Dakilang Ina ng Himagsikan

Text Box: Si Melchora Aquino o mas kilala sa tawag na Tandang Sora ay isinilang sa isang maliit ng baryo sa Lungsod ng Kalookan noong ika-6 ng Enero, 1912. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina de Aquino. Sapagkat ang kanyang kapanganakan ay kapistahan ng tatlong haring mago, ang kanyang pangalan ay kinuha sa tatlong hari.
	Nag-asawa si Melchora sa isang nagngagalang Fulgencio Bautista. Nagbunga ng anim na supling ang kanilang pagsasama. Naatang sa balikat ni Melchora ang isang mabigat na tungkulin nang maagang bawian ng buhay ang kanyang asawa. 
	Nang sumiklab ang himagsikan, si Melchora Aquino sa kanyang gulang na 84, Siya ay kusang naghandog ng kanyang tulong sa katipunan. Siya ay nagbigay ng pagkain at sumama sa panggagamot at pag-aalaga ng mga sugatang Katipunero.  Pinag-usig siya ng mga guardia sibil at nadakip noong ika-29 ng Agosto 1896 sa Pasong Putik sa Novaliches. Si Tandang Sora ay itinapon sa Guam bilang parusa sa kanyang kasalanan. 
	Nang ang Pilipinas ay sinakop ng Amerika, pinatawad ng pamahalaang Amerikano ang mga sumanib sa himagsikan, kabilang si Tandang Sora. 
	Noong Pebrero 26, 1902, si Tandang Sora ay bumalik sa Pilipinas, sa wakas ay nakapiling niya ang kanyang mga anak at apo. Siya ay binawian ng buhay noong ika-2  ng Marso, 1919 sa gulang na 107.  Source (Aklat ng mga Bayani)

Cassava

 Pizza Pie

Nanalong recipe sa Nutri-cook fest ‘05

 

MGA SANGKAP:

1 k. kamoteng kahoy

˝ karot

2 hotdog         

1 kutsaritang iodized salt

1tasang inad-ad na cheese

1 larang berde

1 balot na pizza sauce (maliit)     

˝ latang pineapple tidbits (maliit)

˝ kutsaritang mantika

1 sibuyas (maliit)

PARAAN NG PAGLULUTO

      Ad-arin ang kamoteng kahoy at cheese. Hiwain ang hotdog nang pahilis upang mag-anyong petals ng bulaklak. Hiwaan ang lara na korteng dahon. Hiwain nang pabilog ang sibuyas.

      Ilagay ang ˝ ta

sang cheese at 1 kutsaritang asin sa inad-ad na kamoteng kahoy. Haluing mabuti. Ilagay sa katamtamang laki ng hurnuhan na pinahiran ng mantika upang hindi dumikit. Ilagay ang karot sa gitna at iayos ang hotdog sa palibot upang mag-anyong petals ng bulaklak. Iayos din ang  lara upang mag-anyong dahon at ipalibot ang sibuyas  at  pineapple tidbits sa gilid.

        Ilagay sa oven sa loob ng kalahating oras. Ilagay ang inad-ad na cheese at pizza sauce sa ibabaw habang mainit pa.

       Ihain nang mainit. Maaring kainin ng 4 o 6 na tao.

( Bernadette at  Joseph Arver)

 

 

Ibaba Elementary School

Paete, Laguna

 

*         Ang mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sipon ay ang maling pagdidyeta, pabaga-bagong temperatura ng paligid, maling pagsusuot ng damit na di naaayon sa hinihingi ng panahon, at ang sobrang pagpapagod.

*         Ang isang pangkaraniwang “silkworm  cocoon” ay maka-gagawa ng sinulid na may habang 900 na yarda o kalahating milya.

*         Mas nauunang marinig ng isang isda ang mga mensahe o tunog na nagmumula sa hangin dahil ang tunog ay apat na beses ang bilis sa tubig kaysa sa hangin.

*         Ang katawan ng isang ordinaryong kabataan ay may 207 buto, ngunit habang tumatanda’y nababawasan ito hang-gang  sa umabot itosa 200. Ito ay sa kadahilanang ang ilan sa mga ito ay nagdidikit-dikit at nagsasama-sama.

*         Humigit-kumulang sa 200,000 na mga halamang napangalanan at naiuri sa buong mundo.Ang unang aklat ng pasyon ay nilimbag sa tagalog taon isang libo at apat, na sinulat ni Padre Gaspar Aquino.

*         Ang unang aklat sa sinulat ni Marcelo de Gracia Concepcion na inilathala ng Putnam and American Publishing Company ay ang aklat ng Tula na Azucena.  (1925)

 

*          

 

 

 

  *Ang orihinal na pangalan ng “butterflies” ay “ futterblies”.

 

Pangangalaga ng ngipin 

      Ang maganda at natural na ngipin ay nagbibigay ng magagandang ngiti, maliwanag na pagsasalita, kasiya-siyang pagkain at mahusay na pagnguya ng pagkain. Ang pangangalaga sa bibig ay mahalaga sa pangkabuuang kalinisang pansarili. Dapat itong makaugalian ng lahat lalo na ng mga nagdadalantao, maliliit na bata, mag-aaral at mga may sapat na gulang.

      Ang pagkabulok ng ngipin ay nagsisimula sa maliit na butas na palaki nang palaki kung di maaagapan ng dentista.

Ito ay bunga ng asido na resulta ng aksiyon ng mikrobyo sa mga pagkaing matamis at magawgaw (starchy)

       Paano ito maiiwasan?

·          Magsepilyo nang wasto pagkatapos kumain. Kailangang sepilyuhin sa labas at sa loob ang lahat ng ngipin—ang nasa itaas ay pababa, ang nasa ibaba ay pataas

·          Mag-alis ng tinga sa pamamagitan ng sinulid o dental floss.

·          Bawasan ang pagkain ng matamis at magawgaw.

Gumamit ng fluoride na maaaring nasa toothpaste, pangmumog, tableta, o inihahalo sa iniinom na tubig.

     Ingatan ang ating mga ngipin, ito ay mahalaga!      

 (Source: Gabay sa Kalusugan ng Pamilya, pah. 27-28)

Text Box:  8  Panitikan/Lathalain                           ANG  PAROLA                             Mayo - Oktubre, 2005
Text Box: “ Ang pagpapakita ng pakikipag-kapwa ay di lang pagpapakita ng habag o tulong sa taong kakilala kundi sa bawat isa na na-ngangailangan ng tulong.”		  Lucas 10: 30-35
Kawikaan