Text Box: Opinyon
Text Box: Mahal na Patnugot,             
			         
	Gusto po naming lalo pang mapalawak ang kaalaman sa paggamit ng computer, malaki po ba ang maitutulong nito sa  aming pag-aaral?

                                             Rozette D. Romulo 
                                               Baitang IV-Rizal
Text Box:           “Sa totoo lang ano, dapat na talagang bumaba yang si Arroyo dahil sa mga kasinungalingan niya.
        Sister Lucena Cainto
                 Katekista
                                                                                                                         
       “ Sa aking palagay hindi nararapat na bumaba ang pangulo sa puwesto. Lalo na at ang ating ekonomiya ay bago  pa lang nakakabawi.
           Victor Cagayat
             Manggagawa

        “Hindi. Sino ang ipapalit nila? Ang oposisyon? Mismong sila nga iba-iba ang gustong iluklok.
         Mr. Manuel Lacbay
                 Sundalo
Text Box:             Hindi dapat! Lalo lang magkakawatak-watak ang ating bansa. Hindi naman kasagutan ang pagpapalit ng presidente, baguhin ang sistema, ‘yun ang dapat!
        Mrs. Maila Liwanag
                       Guro

	Ang tanging sagot sa ating kahirapan ngayon ang pagkakaisa ng mga bawat mamamayan at ang taos pusong paglilingkod ng mga nanunungkulan sa ating pamahalaan. Alisin ang mapaninsalang “graft and corruption” hindi ang pagpapalit ng pamunuan.
             Thomas de Dios
  Data Base Administrator                                                                                                                                  
Text Box: tuwang –tuwa  ang mga bata sa lobo? 
itinataas at ibinababa ang watawat  ?
ayaw makiisa ng mga mamamayan sa 
     paghihiwa-hiwalay ng mga basura?
gustong-gusto ng mga bata ang sitsiriya o “junk food”?
ayaw ng mga batang mautusan ng mga  nanay at tatay sa gawain sa  bahay  ?
nagkakaroon ng kambal na magkapatid ?

Text Box: Bakitttt ……..

Mahal kong Rozette,

       Malaki ang magiging tulong ng paggamit ng computer sa inyong pag-aaral dahil pinadadali nito ang paraan ng pagkatuto di na kailangan ang maraming aklat, dito ay matatagpuan mo na ang mga detalye kaya dapat lamang na ang bawat isang mag-aaral ay matutong gumamit nito.

                                                               Patnugot

Text Box:  Bakit patuloy na bumabagsak ang 
Pilipinas?
	Magpahanggang ngayon, nakikita natin ang patuloy na pagbagsak ng ating bansa dahil pa rin sa pagkakaroon ng mga tiwaling kawani at kinatawan ng gobyerno na ating pinagkakatiwalaan. Hindi natin masabi n ang isang lider ay nangungurakot hangga’t hindi  napapatunayan sa korte ang ginawang anomalya.
	Karamihan sa mga tiwaling opisyal ay ang mga nasa matataas na puwesto pa. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa panloloko ng sambayanan. Katulad na lang ng ng isyung pandaraya noong nakaraang halalan at ang paglustay sa pondo ng gobyerno na di umano’y ginamit ng Pangulo sa eleksyon. 
	Sa halip na pag-ukulan ng pansin ay ang mga bagay kung paano aangat ang ekonomiya ay nakatuon pa ang pansin ng mga mambabatas sa walang katapusang pag-iimbestiga. Subalit kung wala naming pupuna sa katiwalian, lalo naming magsasamantala ang mga tiwaling opis-yal ng gobyerno.
	Kawawang Pinoy, patuloy na nagdurusa sa krisis pampulitika.Ang patuloy na pagtaas ng bilihin kaugnay ng walang katapusang pagtaas ng langis na nagreresulta sa pagtaas ng pamasahe at mga pangunahing pangangailangan ay dagdag pasanin ng bawat mamamayan.
	Hahayaan ba nating patuloy na mangyari ito? Kung gusto nating malutas ang mga suliranin, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat Pilipino ang kailangan, hindi ang pagprotekta sa  pansariling interes at kapakanan. Maayos na pamamalakad ng mga lider sa pamahalaan at hindi sisihan ang kailangan, kung hindi patuloy na babagsak ang Pilipinas.
	Pobreng Pinoy, paano ka na???
Text Box: E  D   I  T  O  R  Y  A  L
Text Box:  Mayo - Oktubre, 2005                           ANG  PAROLA                              Editoryal/Opinyon   5