Text Box:  4  Balita                                                   ANG  PAROLA                           Mayo - Oktubre, 2005

MASAYA KUNG SAMA-SAMA. Mga  magulang at guro sa halamanan ng paaralan. 

Brigada Eskwela, naisakatuparan

      “Ating paaralan.Ating  responsibilidad.”

Upang maihanda ang mga paaralan sa darating na pasukan, nagkaroon ng National School Maintenance Week,  Mayo 16-20.

       Dahilan sa kakulangan ng pondo ng Kagawaran ng Edukasyon  ay ipinagpatuloy ng dating Kalihim Florencio “Butch” Abad ang National School Maintenance WeekBrigada Eskwela.

      Bumuo ang mga magulang ng iba’t-ibang pangkat na manga-ngasiwa sa mga gawain tulad ng pangkat ng mga karpintero para sa mga sirang upuan, mesa, pinto, at kabinet; mga tagapinta ng bubong, dingding at upuan; mga taga-ayos ng mga halaman at paligid, mga tagahingi ng tulong na mga kagamitan tulad ng pintura, semento, pako at

kahoy; at mga tagapagluto ng libreng meryenda sa umaga at hapon.

      Nagbigay ng tulong ang mga pinuno ng bayan na sina Mayor Emmanuel Cadayona, Bise-Mayor Rojilyn Bagabaldo, mga konsehal at Kabataang Barangay, SK Chairman Pamela dela Rosa.

      Tumulong sa pagkakarpintero ang Bolero Club sa pamumuno ni G. Benedicto Reyes, sa pagpipinta at pagsasa-ayos bubong at elektrisidad ang samahang Guardians sa pangunguna ni G. Rufino. Naging tagapangulo si G. Ramon Angeles, dating Pangulo ng PTA. (Aera Valdellon)

Adopt-a–lamp post, sinuportahan

      Nagkaloob ng tulong pinansyal ang Paetenians International sa proyekto para sa pagkakaroon ng poste ng ilaw para sa taong 2005.

       Ang Adopt-A-Lamp Post Project ay isa  sa  programa ng Paete-nians International at Pamahalaang Bayan.        Ito ay  nabuo  noong magkaroon ng Balik-Paete, Dis. 2004.  Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga kababayang  nasa ibang bansa, ay kasalukuyan nang isinasagawa  ang proyekto.

      Inilahad  ng Pamahalaang Bayan ang proyekto upang  gawing isang atraksyong pang-

turista ang kahabaan ng kalye J.V.Quesada. Planong ipa-tiles ang kalye at lagyan ito ng mga mesang kainan  sa gitna.    Ito’y  nagustuhan ng mga balik-bayan at nangako sila ng suporta sa Pamahalaaang Bayan.

      Sa kasalukuyan ay may 51 nang poste ang naitatayo at marami pa ang may pangakong tumulong. Ang disenyo ay nagpapakita ng lansones na isa sa sagisag ng bayan.

             (Rose Mary Isla)

 Laguna de Bay Summit, isinagawa

    Our lake, Our children, Our future, Preserve, Protect and prepare Laguna de Bay for the next generation.” Ito ang tema sa ginanap na First Laguna de Bay Summit Annual Learning Forum sa lungsod ng Calamba, Okt. 30.

 

Inilaan sa edukasyon, 147 bilyon

         Upang  mapaunlad ang edukasyon, naglaan ang Pangulong  Gloria Arroyo  ng  147 bilyon, Okt. 11.

 

Ang pondo ay ilalaan sa pagkakaroon ng mga karagdagang guro, aklat, mga desk, at silid-aralan sa susunod na panuruang taon.

      Nakatakdang ipamahagi sa pampubli-kong sekondarya ang 17,000 computer na nagkakahalaga ng 250 milyong piso.  Magkakaroon din ng 60 makabagong silid-aklatan at   learning center sa 15

rehiyon na nagkakahalaga ng 120 milyong piso.

      Ayon kay Rep. Andaya, masyadong  mahaba ang listahan ng panangangailangan at  hindi  maibibigay ang kakulangan sa kagamitan, gusali at mga guro sa loob ng madaling  panahon. Kailangan  pa ng malaking halaga para dito.  

             (Richard Estores)

      

 

      Layunin ng summit na pangalagaan at protektahan ang unti-unti nang namamatay na lawa ng Laguna para sa susunod na henerasyon.       Kabilang dito ang pagtatanim ng mga punong-kahoy, paglilinis at pagbabawas ng mga duming itinatapon sa lawa, regulasyon sa pangingisda, fish pen ownership control, land conversion control at iba pang regulasyon sa paggamit ng natural na yaman ng lawa.

      Tutol din ang Laguna Lake Development Authority at Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gobernador Teresita S. Lazaro sa human squat

tingoverfishing, garbage and waste dumping, illegal land conversion at iba pang uri ng pang-aabuso sa lawa.

      Ayon sa Gobernador bilang pinakamalaking lawa sa Southeast Asia at yamang tubig na nakapaligid sa lalawigan ng Laguna, nararapat lamang na pangunahan ng mga tao dito na mapangalagaan ang Laguna de Bay.

       Naniniwala siyang kung magtutulu-ngan ang lahat  ng taong naninirahan sa tabi ng lawa ay makakamit ang mithiing “a healthy lake” na pinapangarap ng lahat para sa susunod na saling lahi

      (Jane Marish Pujeda)

 

- Laguna Score, Set. 2005

ANG PLANO AT ANG NATAPOS NA POSTE.