Text Box: Alay  Lakad,  itinaguyod
             “Kabataan, Isulong ang  Kinabukasan.”
Ito tema ng Alay Lakad na itinaguyod ng Paete Public Market Cooperative Association, Set. 18.
Text Box:         Nakiisa sa parada ang mga mag-aaral at guro ng Paaralang Elementarya ng Ibaba, Paete Central, at  Quinale.
	Lumahok din ang Sangguniang Bayan at iba’t ibang samahan.
	Ang pondong nailak ay ipagkakaloob sa  Paete National High Text Box: School at Social Welfare. Noong nakaraang taon ay ang tatlong paaralng pampubliko ang binigyan nila ng tulong.
	Ang samahan ay sa pamamahala ni G. Atanacio Baisas, Jr., Pangulo at sinuportahan ito ni Mayor Emmanuel B. Cadayona. 
         (Leonard Garcia)

IES,hindi nagpahuli sa paligsahan

      Nagkamit ng mga karangalan ang mga mag-aaral ng Ibaba Elementary School (IES) sa mga pampurok at pang-yunit na paligsahan, Hulyo-Okt.  

       Sa Young PAETECH logo contest, nagwagi si Adrian Mave-rick Navarro ng unang puesto,  Hulyo 8. 

       Sa Nutricook Fest, kaugnay ng  Buwan ng Nutrisyon, nagwagi din ng unang puesto sina Joseph Arver Caday at Bernadette Joie Platon, Baitang-VI. Sa kanilang orihinal na resipe, “Cassava Pizza Pie”,  Hulyo  22.

      Nanguna din sina Mark Philip Cagayat, Leonard Garcia at Bernadette Platon sa ginanap na District Cultural Heritage Quiz Bee, Agosto 4. Naging ikapito sila sa  Division level.

      Sa pamahayagang pangkampus, nakamit ni Jay Liwanag ang ikaanim na puwesto sa pagwawasto ng sipi at ang ikasiyam na puwesto sa pagsusulat ng pangu-long tudling si Howell

Ico.

      Sa Super Quiz Bee sa HEKASI, at Mathematics ay naging ikatlong puesto ang taga IES. Sa Mathrathon ay naging ikatlo ang mga bata mula sa una  hanggang ikaapat na baitang. Naging ikalawa si John Vincent Aguinaldo, Baitang-V. Sa  Math Challenge, nakamit ng mga mag-aaral ng IES  ang  pangatlong puwesto. Sa Damath ay nakamit ng Baitang-II at VI ang ikalawang puesto, ang Baitang-IV, ikatlong puesto.

      Sa ginanap na Pang-Yunit na Tagis-Sining sa MSEP na ginanap sa distrito ng Pangil-Pakil, nakamit ni Joseph Arver Caday ang ikalawang puesto sa creative works, at ikalawang puesto rin si Mark Philip Cagayat sa Tagis-Sining sa Musika.    

     (Mark Philip Cagayat)

KAINAN NA. Libreng agahan para sa mga batang kulang sa timbang sa Baitang I-II.

LAKAD PARA SA KABATAAN. Gng. Victorina B. Limlengco, Punungguro at mga guro ng Ibaba.

Libreng agahan, ipinagpatuloy

      Muling nagkaloob ng tulong ang Paetenians International, Chicago Midwest at Southern California Chapter para sa libreng agahan, SY 2005-06.

       Ang libreng pagpapakain ay isinasagawa dalawang beses isang linggo. Naibigan ng mga bata ang masustansiyang taho na gawa sa soya. Ang iba pang pagkain na paborito ng mga bata ay spaghetti, arroz caldo, sopas, kalamay at puto.       Dahil sa programang ito, natutugunan

ang kakulangan ng mga bata sa wastong nutrisyon.

      Ang Paetenians Southern California Chapter ay pinamumunuan ni Gng. Sonia Adea-Paelmo. Si  Gino-ong Luis Vitor ang bagong Pangulo ng Chicago Midwest Chapter.

 (Cherry Rose dela Rosa)  

Balik-lansones, ipinatupad

      Muling ibinalik ng Sangguniang Bayan ang Resolusyon Blg. 181-1, na nagsasaad ng pagsusumite ng mag-aaral sa mataas ay mababang paaralan ng Paete ng buto ng lansones, Agosto 26. 

           Ang kautusan ay ipatutupad sa buong panahon ng pamumunga ng lansones. Ito ay kai-langang isumite sa Kagawaran ng Agrikultura tuwing araw ng Lunes. Layunin ng resolusyong ito na mapanumbalik ang  kasiglahan ng lansones  na nagpatanyag sa bayan.

      Ito ay sa mungkahi ni Konsehal Ronaldo Valdellon, at sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng mga dumalong Konsehal na sinang-ayunan at pinagtibay nina Kgg. Rojilyn Bagabaldo, Pangalawang Punong Bayan at Mayor Noel Cadayona.

                (Howell D. Ico)

Biktima ng hurricane, nailigtas sa  tulong ng IT

      Ang mga taga-Paete sa New Orleans ay nailigtas sa hurricane Katrina sa tulong ng mga kababayan sa Estados Unidos,   Agosto 30– Set. 2. 

       Ang pamilya ni Bernard Bagalso at Christopher Cagandahan na naninirahan sa New Orleans ay nailigtas sa pa-mamagitan ng makabagong teknolohiya.

      Ang mga internet postings at pagtawag sa cellphone nina Mayor Noel Cadayona, Prof. Angel de Dios, mga

kamag-anak sa Paete at mga kababayan sa Estados Unidos ang nakatulong upang maligtas ang mga biktima.

      Nakaalis sila sa New Orleans sa pama-magitan ng tulong at lib-reng  tiket sa eroplano ng mga  kababayan. Sila ay ligtas nasa Virginia sa kasalukuyan.

      (Aera Valdellon)

   

Text Box:  Mayo - Oktubre, 2005                              ANG  PAROLA                                              Balita    3