Text Box:  2  Balita                                                ANG  PAROLA                       Mayo - Oktubre, 2005

 

Text Box: STEP Olympics, nilahukan ng IES
	Upang masanay ang mga bata sa mga gawaing pantahanan  ay idinaos ang Student Techno-logy and Enterpreneur of the Philippines (STEP) Skills Olympics  sa Paaralang  Elementarya ng  Mabitac, Set. 17.
Text Box: 	Dumalo sa dalawang araw na pagsasanay na tumalakay sa napapanahong  pamamahayag sa English at Filipino ang anim na bata at dalawang  guro ng Paaralang Elementarya ng Ibaba.
 	Nagkaroon ng indibiduwal na paligsahan sa pagsulat ng balita, editoryal, Text Box: lathalain/panitikan, pampalakasan, pagwawasto ng kopya at pagkuha ng larawan.
	Nakamit ni  Howell D. Ico,  ang ika-9 na puwesto sa pagsulat ng editoryal  at ni Jay Liwanag ang ika- 6  na puwesto sa pagwawasto ng kopya	              
             Naging taga-pagsanay sina Bb. Amor Kagahastian, at G. Noel Ortega, mga  tagapayo ng mga tanyag na pahayagan sa Cavite, ang Klaryon.
	Nilahukan ang pagsasanay ng may 139 bata mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Paete.
         (Leonard L. Garcia)
Text Box: GALING NG TAGA-PAETE. Alexander Cadang at ang

Bagong pamunuan ng PTA, inihalal

      “Mas matibay ang walis kung ito’y nabibigkis.” Ito ang pahayag ng bagong halal na Pangulo sa ginanap na halalan sa Paaralang Elementarya ng Ibaba, Hunyo 30.

     Nanalong Pangulo ng samahan si Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, dating mag-aaral sa paaralan at kasalukuyang konsehal ng Pamahalaang Bayan.

    Ang iba pang nahalal ay sina Barangay Kagawad Francisco Afuang, Pangalawang Pangulo; Gng. Marissa Orejola, Ingat-Yaman; Gng. Rosario dela Rosa at Gng. Adora Romulo, Tagasuri; Gng. Myrna Garcia, Gng. Sena Adao at Gng. Lilia Selga, Press Relation Officers; G. Loreto Dimasaka, Gng. Ruth Pacurib

at G. Rolando Reyes, Tagapamahala ng proyekto.   Napiling kalihim si Gng. Melba D. Buenviaje. Ang board members ay limang magulang at limang guro na inihalal din ng mga dumalo.

      Nangako ang bagong pamunuan na ipagpapatuloy ang mga proyektong nasimulan ng dating pamunuan at sisikaping lalo pang mapaunlad ang paaralan. Hiniling nila ang pakikiisa  ng lahat.

        (Aera Valdellon)

KAMI ANG NAGWAGI. (L-R) Gng. Melba Buenviaje, tagasanay, Jerried Aera Dalhag, Gng. Victorina B. Limlengco, punungguro at  Bernadette Joie Platon, .

Taunang paligsahan sa pag-uukit ng yelo at prutas, ginanap

       Lumahok ang mga baguhang mag-uukit sa    paligsahan na ginawa sa Liwasang-Bayan, Hulyo 24.

       Nanalo sa paligsahan sa pag-uukit ng yelo sina Alexander Cadang, unang gantimpala Marvin Cagayat, pangalawa at Rodelio Saldea, pangatlo.

    Sa fruit and vegetable garnishing ay nanguna si Emil Baldemor, pa-ngalawa si Marvin Cagayat at pumangatlo si Baltazar Balan.

      Ang mga nanalo ay tumanggap ng cash prizes, certificate of re-cognition at medalya. Ang lahat ng  lumahok ay nakatanggap ng certificate of participation.   

    Sinabi ni Mayor

Cadayona na nakilala ang mga taga-Paete sa lara-ngan ng pag-uukit, hindi lamang ng kahoy, kundi pati na rin ng yelo, prutas at gulay. Tiniyak niya na madaling  makapagtatrabaho ang mga nanalo sa mga five star hotels at barko dahilan sa kanilang galing.

      Ang mga naging hurado ay sina Mario Caseres, Arturo Maganito at June Fia ng Magsaysay Shipping  Co. Ang paligsahan ay pinangasiwaan ng Red Riders at Rampants Club.

      (Howell Ico)

Text Box: Pampurok na Press Con, isinagawa
             	Nakiisa ang mga guro at mag-aaral ng IES sa pampurok na Press Conference na ginanap sa Paara-lang Elementarya ng Paete, Agosto 13-14

       Si Jerried Aera Dalhag, VI-Aquino ng Ibaba Elementary School (IES) ang nagwaging ikatlong runner-up.

      Sa bahagi ng pagpapakita ng talento, ipinamalas ni Aera ang kanyang husay sa song interpretation. Nagpakitang gilas din siya sa iba’t-ibang kasuotan katulad ng swim wear, casual wear  trade wear at katutubong kasuotan.

       Ang mga nag

waging Mutya ay mula purok ng  Siniloan at Pagsanjan. Ang iba pang  kalahok ay mula sa  Lumban-Kalayaan, Pangil-Pakil,  Sta. Maria at Famy-Mabitac.

      Sa paligsahan  sa pag-aayos ng bulaklak ay nakamit  ni Bernadette Joie Platon ang ikatlong puwesto.  Nanguna ang mag-aaral mula sa purok ng Santa Maria at puma-ngalawa ang Lumban-Kalayaan.

              (Adrian Navarro)

TAGAPAGSANAY,

Bb. Amor Kagahastian