Text Box: 	  Isang pangkasaysayang parada ang ginanap na nilahukan       ng mga mag-aaral sa lahat ng paaralan, mga organisasyon, mga kinatawan ng lahat ng barangay, musa at konsorte ng Paetenians Alliance for Education and Technology (PAETECH), at mga tauhan ng pamahalaan.
	Ipinakita sa parada ang mga yugto ng kasaysayan   ng Paete simula sa pagkatatag hanggang 2004. Ang Paaralang Elementarya ng Paete ay nagpakita ng yugto ng ng kasaysayan simula sa pagkatatag ng bayan at mga simbahang Katoliko at Ermita, 1580 hanggang 1723. Nagpamalas ang Liceo de Paete ng mga pangyayari simula 1880-1900, kasama dito ang panahon ng mga Amerikano. Ang Paaralang Elementarya ng Quinale ay nagpakita ng mga yugto noong 1902, pagkakatatag ng simbahang Aglipay hanggang sa panahon ng mga Hapones, 1941. Ang Eastern Laguna Colleges ay simula 1946 pagkatapos ng digmaan at ang pagkakatatag ng Text Box: kanilang paaralan at San Santiago High School (Liceo) hanggang 1964.
	Naging tampok sa parada ang Paaralang Elementarya ng Ibaba dahilan sa pagpapakita nito ng mga pangyayari noong 1979 hanggang 1992. Nagkaroon ang paaralan ng dalawang malaking mascot, karosa ng Mutya ng Paete at Mutya ng Quadricentennial na tulad ng itinampok din noong taong 1980, ika-400 taon ng Paete.
	Ang Paete National High school ay nagpakita ng kasaysayan noong 1993-2004. Saklaw nito ang pagkapili kay G. Mariano Madriñan bilang pambayang bayani at pagkakatatag ng PAETECH, ang samahan na sumusuporta sa Computer Education ng tatlong paaralang pang-elementarya.
	Sa gabi ay pinarangalan ang labing tatlong “Mga Natatanging Buhay na Anak ng Paete” na naging matagumpay sa kani-kanilang propesyon at hanap-buhay.
      (Mark Philip Cagayat)Text Box: 	Ang pagsasanay ay itinaguyod ng  Paete-nian Alliance for Education and Technology (PAETECH).
	Itinuro sa pagsasanay ang wastong paggamit ng internet at kung paano ito nakatutulong   sa pagtuturo at pag-aaral ng mga bata. Layunin din na makasabay ang mga  taga-Paete sa bilis ng galaw ng makabagong panahon.Text Box: 	Ipinakita niya ang paraan ng paggamit ng digital projector at ang paggamit ng internet at  e-mail. Nagkaroon ng kani-kaniyang iskedyul ng pagsasanay ang bawat paaralan.
	Sa pagtatapos ng seminar ay nagkaloob si Prof. de Dios ng tatlong digital projector at laser printer sa mga punungguro ng tatlong paaralan. 
              (Leonard Garcia)

Magulang at Guro, nagsanay sa IT

       Sinanay ni Prof. Angel de Dios ng Georgetown University at honorary director ng PAETECH ang mga magulang at guro sa tatlong paaralang elementarya ng Paete, Hulyo 21 - 28.

Ika-425 anibersaryo ng Paete, ipinagdiwang

      Pinangunahan ni Mayor Emmanuel B. Cadayona at Sangguniang Bayan ang pagdiriwang ng bayan ng Paete ang ika-425 taon ng pagkakatatag, Set. 24

Platon, Garcia, nanguna sa halalan

       “Ipinangangako naming tutulong sa pagpapatupad ng mga tuntunin ng paaralan.” Ito ang pahayag ng mga nanalong  kandidato sa ginanap na Pupil Government Elections, Hulyo 13.

       Nagwagi sina Bernadette Joie Platon, Pangulo; Leonard Garcia, Pangalawang Pa-ngulo; Rozette Romulo, Kalihim; Howell Ico, Ingat-Yaman; Elena Edlagan, Tagasuri, Cristobal Vegas at Crisel Velasco, Press Relation Officers; Marish Pujeda at Crislyn Landrito, Ki

natawan. Ang mga partidong naglaban ay United Students Association (USA) at United Supreme Student Representatives (USSR) na pinangunahan nina Mark Philip Cagayat at Rosemary Isla. Nagkaroon ng Board of Election Inspectors.

      (Aera Valdellon)

      

KATANGI-TANGING PROPESOR. (L-R) Propesor Angel de Dios, V.B. Limlengco, punungguro, mga magulang at guro.

ANG KASAYSAYAN NG PAETE.  Mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Ibaba at Mayor Noel  Cadayona.(inset).

 Paete: Carving 

 Capital  of the  

 Philippines          

        p. 6-7

Text Box: Taon 8   Bilang 1    Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Elementarya ng Ibaba, Paete, Laguna     Mayo-Oktubre, 2005